lagman1
By

Calida niregaluhan ng dagdag na kapangyarihan ng Kamara – Lagman

Sharing is caring!

Binigyan diumano ng Kamara si Solicitor General Jose Calida ng “unwarranted expanded powers” sa pamamagitan ng ipinasang House Bill 7376.

Sinabi ito ni Albay Rep. Edcel Lagman matapos patalsikin ng Korte Suprema si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno at pag-apruba naman ng Kamara sa third and final reading ng panukalang batas na bubuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at sa Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) para palakasin ang OSG.

“As if causing the removal of the Chief Justice through an irregular quo warranto petition is not enough arrogation of power by Solicitor General Jose Calida, the House of Representatives still gifted him with more extensive and expanded powers by approving on final reading yesterday House Bill No. 7376,” ani Lagman.

Sa ilalim ng inaprubahang panukala, ang OSG na ang maghahabol sa iba pang mga natitirang nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Pero iginiit ni Lagman na kilalang kaalyado ng mga Marcos si Calida tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang PCGG ay nilikha sa pamamagitan ng Executive Order No. 1 ni dating Pangulong Corazon Aquino na ang mandato ay bawiin ang mga nakaw na yaman ng pamilya ni dating Pangulong Marcos at kanilang mga crony.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?