1,336

Jan 16, 2020 @ 15:02
By

Calida nagsariling-sikap sa pagbasura ng ABS-CBN franchise

Walang muwang si Pangulong Rodrigo Duterte sa napabalitang ihahain na quo warranto case ni Solicitor General Jose Calida para sa ABS-CBN franchise.

Saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi pa nakakausap ng Palasyo si Calida sa posibilidad na paghahain ng kaso para ma-revoke ang prangkisa ng ABS-CBN bago pa man ang nakatakdang expiration nito sa katapusan ng Marso 2020.

Sa report ng Manila Times, sinabi na magsasampa ng kaso ang Office of the Solicitor General na hawak ni Calida sa Korte Suprema para mabasura ang broadcasting rights ng Kapamilya network.

Natapos na umano ang draft ng petisyon at ipapasa na ito ngayong Huwebes.

Ito’y dahil umano sa mga paglabag ng ABS-CBN sa mga terms and condition na binigay sa kanila ng Kongreso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?