367

By

Calida kinampihan ng Palasyo sa bira ni Trillanes

Sharing is caring!

Dinepensahan ng Malacañang si Solicitor General Jose Calida sa bintang ni senador Antonio Trillanes IV na ito ang may pakana sa pagpapawalang-bisa sa kanyang amnestiya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tumatayong abugado ng Republika si Calida at bahagi ng kanyang mandato na magtanong sa kahit alinpamang ahensiya ng gobyerno.

Hindi aniya kailangang mag-utos ang Malacanang kung ano ang mga gagawin ni Calida dahil alam nito kung ano ang kanyang trabaho.

“Calida is counsel for the Republic. He inquired as part of his mandate and does not require ang sanction from the Palace,” ani Roque.

Nauna ritong inakusahan ni Trillanes si Calida na siyang may pakana sa nararanasan nito ngayong sitwasyon matapos mapawalang-bisa ang amnestiya nito noong Martes kaugnay sa inilunsad na kudeta at mutiny noong panahon ng Arroyo administration.

Itinuro ng Department of National Defense si Solgen Calida na siyang nakipag-ugnayan sa kanila para alamin ang status ng amnestiya ng senador kung saan wala umanong makitang rekord ng aplikasyon para sa amnestiya.

Ito ang naging daan para ilabas ng Malacañang ang Proclamation 572 na nagpawalang bisa sa iginawad na amnestiya kay Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?