288

By

Calida kay Trillanes: Magpakalalaki ka na!

Dahil nabigo si Senator Antonio Trillanes IV na makakuha ng temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema, umaasa si Solicitor General Jose Calida na magpapakalalaki na ang senador at harapin ang mga kaso sa kanya.

Kasabay nito, ikinagalak ni Calida ang naging desisyon ng Korte Suprema.

“We nurture the hope that Mr. Trillanes, no matter how remote the possibility, will finally man up and face the charges against him for the unlawful actions he committed against the Filipino people,” ayon sa pahayag mula sa opisina ni Calida.

Ang argumento ng Malakanyang na maaari pang habulin si Trillanes dahil sa Oakwood Mutiny at Manila Pen siege.

Wala naman nabanggit si Calida ukol sa interes niya sa pagkalkal sa amnesty application ni Trillanes.

Una nang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na personal siyang tinawagan ni Calida ukol sa amnesty application ng senador, na ngayon ay nawawala pa rin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?