32

By

Calida, iginiit na hindi iligal ang kontrata ng security agency sa DOJ

Nanindigan si Solicitor General Jose Calida na wala siyang ginawang iligal at labag sa batas kaugnay ng kontrata ng Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated (VISAI) na pag-aari ng kanyang pamilya sa ilang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Calida, nagbitiw na siya bilang chairman at presidente ng VISAI noon pang Mayo 30, 2016 o isang buwan bago siya magsimulang manungkulan sa OSG noong Hulyo 2016.

Nilinaw pa ng kampo ni Calida na hindi ang OSG ang “approving authority” para sa mga kasunduang pinasok ng VISAI na nakuha umano ng kumpanya sa pamamagitan ng public bidding.

Dahil dito, wala umanong batayan ang ipinupukol na conflict of interest laban kay Calida.

Nauna nang sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na ligal at dumaan sa tamang proseso ng procurement ang kontrata na pinasok ng Department of Justice (DOJ) sa security company na pag-aari ng pamilya ni Calida.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring binabalikan lamang si Calida ng kanyang mga kritiko matapos niyang maipanalo ang inihain niyang quo warranto case laban sa napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?