calida
By

Calida hinamon na ilabas ang kanyang SALN

Sharing is caring!

IPINALALABAS kay Solicitor General Jose Calida ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) simula noong 2016.

Ito ay matapos mabunyag na may security agency si Calida na kinontrata para magbantay sa apat na tanggapan ng gobyerno.

Sa dalawang pahinang sulat ng isang Jocelyn Marie Acosta, sinabi nito na may hawak siyang records mula sa Securities and Exchange Commission na pag aari ni Calida ang 60 porsiyento ng Vigilant Investigative and Security Agency Inc., habang ang natitirang shares ay pinaghahati hatian na ng kanyang mga kapamilya.

Idinagdag pa ni Acosta ang mga guwardiya ng ahensiya ni Calida ay nagbabantay sa PAGCOR, National Economic Development Authority, National Anti-Poverty Commission at National Parks Development Corporation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?