2,222

Calida, Bong Go bubuweltahan ni Trillanes

Matapos makahinga ng maluwag dahil hindi ipinaaresto ng Makati RTC kung saan binubuhay ang kanyang kasong kudeta, ikinakasa na ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagbwelta kay Solicitor General Jose Calida at sa kanang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Si Calida ang inakusahan ni Trillanes na dumukot at nagtago ng kaniyang aplikasyon para sa amnestiya.

Ayon dito, hihingin niya sa Lunes na buksan na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa umano ay katiwalian ni Calida.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?