By

Caleb, Gabby, Maddie matindi ang bakbakan sa American Idol

Sharing is caring!

Tatlong future country singers ang naiwan bilang Top 3 sa reboot ng American Idol sa ABC network. Ito ay sina Caleb Lee Hutchinson of Dallas, Georgia; Gabby Barrett of Pittsburg, Pennsylvania and Maddie Pope of Clarksville, Iowa.

Maglalaban ang tatlong ito sa kanilang final showdown on May 20 and 21.

Marami ang nagulat nang mapauwi ang early favorites ng American Idol na sina Cade Foehner of Shelbyville, Texas at Michael J. Woodard of Los Angeles, California.

Bago napili ang Top 3, nakasama nilang mag-perform onstage ang pinaka-successful na American Idol winner na si Carrie Underwood.

Inawit din ng mga contestant ang ilan sa mga hit singles ni Carrie bilang part ng contest theme sa week na iyon. Nagsilbi namang mentor ang American Idol Season 4 winner na si Carrie sa mga contestants.

Nabanggit pa ni Carrie na bumalik sa kanyang alaala ang pag-audition niya sa American Idol noong 2004 at wala siyang in-expect na kahit ano dahil simpleng country girl lang daw siya from Oklahoma na mahilig kumanta.

Hindi niya alam na siya ang hihirangin na American Idol noong 2005.

“I see so much of myself in all of you when I was just starting to dream of becoming American Idol. Now, 13 years later, I am here infront of new talents and helping them to achieve their dreams of becoming the next American Idol,” sey pa ni Carrie.

Sa history ng American Idol, dalawa lang ang naging global superstars sa mga winner nito, isa si Carrie at pangalawa ay ang unang American Idol winner na si Kelly Clarkson na isa na sa mga coach ng The Voice.

Ang mga sumikat naman na non-winners ng American Idol ay sina Clay Aiken, Katherine McPhee, Jennifer Hudson, Chris Daughtry, Kellie Pickler and Adam Lambert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?