262

Mar 8, 2021 @ 21:37
By

Calbayog City mayor, 2 pulis todas sa ambush

Patay matapos tambangan si Calbayog City, Samar Mayor Ronald Aquino at dalawa niyang police escort nitong Lunes ng hapon, Marso 8.

Sa ulat ng SunStar, kinumpirma ni Calbayog City Administrator Rosario Gonzaga ang pagkamatay ni Mayor Aquino, ayon sa Philippine Information Agency-Samar.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, na papunta ang alkalde at dalawang escort niyang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan, sa Barangay Lonoy bandang alas-5:30 ng hapon sakay ng puting Toyota Hi-Ace Van nang paulanan ng bala ng mga suspek, na sakay naman ng dalawang sasakyan.

Nakaganti ng putok ang mga biktima na nagresulta sa shootout, kung saan isa sa mga suspek ang napatay din sa barilan, sabi ng pulisya.

Iniimbestigahan na ng Calbayog Police ang insidente upang mahuli ang mga suspek.

Taong 2011, pinatay din ng mga hindi pa kilalang gunman ang dating alkalde ng Calbayog na si Reynaldo Uy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?