73

By

Calabanga, CamSur; Digos, Davao del Sur walang pasok sa July 15

Idineklarang walang pasok sa mga bayan ng Calabanga sa Camarines Sur at Digos, Davao del Sur sa susunod na linggo.

Nakapaloob ito sa Proclamation Nos. 764 at 765 na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa July 15, 2019 ay special non-working day sa bayan ng Calabanga para ipagdiwang ang anibersaryo ng nabanggit na munisipalidad habang pista opisyal din sa Digos City para ipagdiwang ang Padigosan Festival.

Nakasaad sa proklamasyon na marapat lamang na ipagdiwang at bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Digos na magsaya at makilahok sa mga aktibidad ng Padigosan festival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?