209

Dec 14, 2017 @ 9:19
By

Caidic piniloto ang PAL sa trono

Kumalabit si Allan ‘Triggerman’ Caidic ng 19 puntos upang pilotohin ang dayong Philippine Airlines sa pagbaon ng buhay sa Cagayan de Oro City, 85-67, at mawalis ang titulo noong Linggo sa 1st CDOC Asian Friendship Games Men’s Basketball Inter-Club 50-Above Tournament 2017 sa Xavier University Gymnasium sa CDOC.

Maagang nag-init para sa flag carrier squad si Lucio Tan, Jr. na tumapos ng 23 points sa apang-apat na deretsong tagumpay ng PAL. Nakipagsabayan ng PAL na pag-aari ng ama ni Tan sa kalahatian ng laro na natapos sa 35-all.

Si Caidic na ang nagpalayo sa kanilang tropa sa pinaleng kalahati ng siyapulan tungo sa pagkopo niya ng Most Valuable Player trophy.

Bakasan kina PBA legend Caidic at Tan sina Jose Miguel Santamaria at Gerry Tee ng 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, sa pagliliyab ng PAL sa second half, tinampukan ang paglayo ng abante nila sa laban ng 21 points.

Nanguna si Bobby Diaz sa luhaang host team sa 17 markers samantalang naka-13 si Mike Rosete.

Nagtuos sa korona ang dalawa tapos gibain sa semifinals ng PAL ang Fujian-China, 81-69, at ang CDOC tinumba ang Nanjing-China, 70-56.

Kasali rin dito ang A-1, Taiwan at Macau. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?