82

Feb 20, 2020 @ 20:38
By

Caidic, Abarrientos sa Wish Olympics

Pangungunahan nina Allan Caidic at Johnny Abarrientos ang Philippine Basketball Association Legends na maglalaro kontra isang celebrity team sa Wish Olympics sa Smart Araneta Coliseum sa Linggo.

Ang one-day event ay para sa mga biktima ng Taal Volcano eruption at inorganisa ng UNTV sa pangunguna ni president/CEO Dr. Daniel Razon.

Makakasama nina Caidic at Abarrientos ang mga dating PBA star ding sina Jayjay Helterbrand at Willie Miller, at players ng UNTV na sina Rod Vasallo ng PITC, Anton Tolentino ng PNP, Julius Casaysayan ng Agriculture at Carlo Gonzalez at Macky Escalona ng GSIS.

Sa celebrity team sina Mark Herras, Ejay Falcon, JayR, Young JV, Jordan Herrera, Adrian Alandy, James Blanco, Albie Casino, Gerhard Acao, Axel Torres at Rayver Cruz.

Si Crispa great Atoy Co ang match director. Hahawakan ni Ed Cordero ang Legends-UNTV, si Emman Monfort sa Celebrities.

Magkakaroon din ng volleyball exhibition ang celebrities at current players. Nagkumpira nang sasali sina Gretchen Ho, Aya Fernandez at Gwen Zamora.

“Basta puwede ako makatulong, handa ako parati,” ani Caidic. “Nakakaawa ang mga kababayan natin sa Batangas. Dapat lang damayan natin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?