157

Dec 29, 2017 @ 18:31

Cagulangan, David babandera sa Greenies sa 94th NCAA season

Muling pamumunuan nina Joel Cagulangan at Josh David ang La Salle Greenhills pagsabak nila sa mga offseason tournaments bilang preparasyon sa NCAA juniors title defense.

Layunin din ng Greenies na ihanda ang mga bagong player para pagdating ng tunay na bakbakan ay sanay na sila sa labanan.

Bukod kina Cagulangan at David, makakasama nila sina Jared Lao, Inand Fornilos, Nikki Perez, Sidney Masqueda, Diego Morales, Joshua Dela Cruz, Ladis Lepalam at Mark Daniel Sangco.

Ang mga player na nasa training team ang papalit sa mga graduating players Jacob Lao, Joshua Marcos, JM Pedrosa, Kairl Beljica at Albert Boldeos ayon kay coach Marvin Bienvenida.

“Last season, we were ranked No. 7 but now we’re expecting Season ‘94 to be tighter in terms of the competition that’s why we really need to prepare seriously,” ani Bienvenida.

Kinapos ang Greenies sa semifinals ng Philippine Secondary Schools Basketball Championship at ngayon ay lumalaro sila sa Metro Manila Basketball League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?