67

Jun 23, 2018 @ 18:36
By

Caguioa namumuro sa 10K club

Kulang na lang si Mark Caguioa ng 69 points para maging pang-15 miyembro ng 10,000-point club ng PBA.

Sa 134-107 romp ng Ginebra laban sa Columbian Dyip noong Miyerkoles, nagsumite si Caguioa ng eight points para iangat sa 9,931 ang total points mula nang pumasok sa liga noong 2001 bilang No. 3 pick overall ng Gins.

Nilagpasan na ng The Spark si Crispa legend Freddie Hubalde (9,927) sa all-time scoring list.

Sa ngayon, hindi iniisip ni Caguioa, mag-39 na sa November, na habulin ang 10,000-point mark.

“I will not really go after it, I’m just gonna try to win more championships,” aniya.

Naging Rookie of the Year si Caguioa, MVP noong 2012 at may anim na championships na lahat sa Ginebra.

Si James Yap ng Rain or Shine ang huling nakarating sa 10,000 points noong Governor’s Cup ng nakaraang season.

Ang iba pa sa listahan ng 10K club ay sina all-time leader Ramon Fernandez (18,996 sa 20 seasons), Abet Guidaben (15,775), Alvin Patrimonio (15,091), Atoy Co (12,994), Nelson Asaytono (12,668), Philip Cezar (12,077), Jojo Lastimosa (12,008), Bogs Adornado (11,967), Robert Jaworski (11,760), Allan Caidic (11,719), Jerry Codiñera (10,868), Benjie Paras (10,322) at Francis Arnaiz (10,292).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?