25

Apr 23, 2021 @ 18:29
By

Caguioa magreretiro na ba sa Ginebra?

Isa si Mark Caguioa sa mga naging mukha ng PBA pagpasok ng 2000s, at sa mga nakalipas na taon ay patuloy pa rin itong parte ng Ginebra.

Madaming fan ang nagtatanong kung kailan nga ba balak ni ‘The Spark’ na magpahinga na sa basketball.

Sinagot ito ng kanyang agent na si Danny Espiritu, kung saan binahagi nito ang plano ni Caguioa sa kanyang retirement.

Sa panayam kay Espiritu sa ‘Zoom In’ ng Spin.ph, sinabi nito na kung masusunod ang unang plano ni Caguioa, ngayong taon ay dapat magreretiro na ang 2012 PBA MVP.

“Ang huling-huli naming pag-uusap tungkol sa retirement niya, sabi niya kapag na-reach na niya ‘yung 20 years niya sa PBA. Ngayon na ‘yun. ‘Yun ang sabi niya sa akin,” kwento ni Espiritu.

Ngunit nasabi rin sa kanya ni team governor Alfrancis Chua na si Caguioa na ang bahalang magdesisyon kung gusto pa nitong maglaro sa Ginebra.

Sa 20-year career ni Caguioa sa PBA, nakasungkit siya ng siyam na kampeonato at napabilang din sa 40 Greatest Players ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?