81

Nov 17, 2021 @ 23:38

Caguioa lalaro ba next conference? Cone sumagot

Nilantad ni Ginebra head coach Tim Cone kung makikita ba sa court si Mark Caguioa sa susunod na conference.

Sa isang tweet, sinabi ni Cone na si ‘The Spark’ ang magdedesisyon kung gusto pa niyang maglaro.

Kung sakali namang trip pa ni Caguioa sumalang sa lineup ay handa nilang isama ito.

“That will be Mark’s decision. If he wants to suit up, we will certainly make the room for him,” sambit ni Cone.

Noong Setyembre ay nalagay sa unrestricted free agency si Caguioa, ibig sabihin ay wala pa siyang kontrata sa Ginebra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?