32

Jun 20, 2020 @ 14:38

Caguioa, Jayjay kumasa sa TikTok

KAHIT hindi na magkakampi sa basketball ang ‘Fast and Furious’ na sina Jayjay Helterbrand at Mark Caguioa ay malakas pa rin ang kanilang koneksyon.

Naging ‘off court’ ang kanilang tandem nang magsagawa sila ng isang TikTok Challenge.

Sa Instagram story kasi ni dating Ginebra veteran Jayjay Helterbrand ay makikitang `in’ sila sa challenge na ‘Wipe It’ kung saan nagpunas ng salamin si ‘JJ’ at sa transition ng pagpupunas naging si ‘MC47’ Caguioa na ito.

Labis naman ikinatuwa ng ilang Ginebra fans ang nasabing post. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?