58

By

Caguioa hindi pa iiwan ang Ginebra

Kinumpirma ni Mark Caguioa na maglalaro pa siya sa Barangay Ginebra.

“Coach Al sinabi niya sa akin na he’s gonna give me one more year,” na kinahiyaw ng audience na nagpunta sa championship party ng koponan nitong Lunes matapos nilang maiuwi ang tropeo ng 2019 PBA Governors’ Cup kontra Meralco.

Pinasalamatan din ni Caguioa si San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua sa ibinigay nitong oportunidad na makapaglaro pa siya ng isang taon sa Ginebra.

Nai-draft si Caguioa ng Ging Kings bilang third overall pick noong 2001.

Nagsimula siyang role player at backup para kay Vergel Meneses.

Ang 40-anyos na ngayong si Caguioa ang ikatlong Ginebra player na nanalo ng Rookie of the Year award kasunod nina Dondon Ampalayo (1986) at Marlou Aquino (1996).

Tinanghal din siyang Most Valuable Player noong 2011–2012 season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?