93

Sep 22, 2021 @ 11:38
By

Caguioa free agent na; Thompson injured

End of an era sa Ginebra?

Bago magtapos ang elimination round ng kasalukuyang 2021 PBA Philippine Cup ay tinanggal mula sa injury/reserve list ang 41-anyos na si Mark Caguioa.

Sa ngayon, isa ng unrestricted free agent si Caguioa na may rights to salary.

Ginugol ng dating MVP ang mga nakaraang taon bilang bangko ng Ginebra, at ‘di lumaro sa kasalukuyang conference dahil may inaasikaso umano sa US.

Bukod dito, napabalitang nagtamo ng injury si Scottie Thompson at ‘di makakalaro sa huling laban ng Ginebra kontra sa Meralco.

Unang napilayan sa koponan si Japeth Aguilar na nagtamo ng sprained MCL.

Bagamat isa sa mga pre-season favorites, nakikipaglaban ngayon ang Ginebra sa pang-walong slot sa playoffs sa kanilang 4-6 kartada. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?