170
Caguioa-Brownlee sabwatan, inakay ang Ginebra sa semis
Jul 23, 2019 @ 19:05
By

Caguioa-Brownlee sabwatan, inakay ang Ginebra sa semis

Pinag-empake na ng defending champion Barangay Ginebra ang Magnolia sa quarterfinals, 106-80, para umabante sa semifinals nitong Martes.

Nanguna sa bataan ni coach Tim Cone ang import nilang si Justin Brownlee sa kinamadang 30 kabilang ang tatlong 3-point shot, 9 rebounds at 6 assists.

Nag-ambag din si Mark Caguioa sa 14 minutes niyang playing time ng 12 points na may 5-of-5 field goal shooting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?