122

Nov 21, 2020 @ 15:32

Cagayan town mayor sinermunan Rappler

Pinagsabihan ng isang alkalde mula sa nasalanta ng bagyo na Cagayan Valley region ang isang online news website na maging responsable sa mga inire-report nito.

Sa kanyang Facebook post noong Nov. 14, tinawag ni Alcala town Mayor at lawyer Cristina Antonio ang pansin ng Rappler dahil sa aniya’y “iresponsableng” coverage patungkol sa masisipag nilang mga volunteer.

“Please be responsible in reporting. Do not add to the fear and hysteria. And you are doing the good and brave men and women rescuers of Alcala a great disservice. They have been working nonstop, round the clock, for the past four days. They do not deserve this. Be responsible,” giit ni Antonio.

Nanawagan din siya sa Rappler na magbigay ng konteksto at kumpletong detalye sa post na nakuha nito mula sa kanyang FB page kaugnay sa pagpapatuloy ng rescue efforts sa Alcala.

Dinepensa ni Antonio ang mga rescuer na kinakailangang itigil ang operasyon kapag gabi na dahil sa panganib.

“They would not be able to see anything, the water is still rising, water current is strong and unpredictable, tree trunks and other debris are swirling in the water, there are electric power lines along the way that may cause accidents. How could rescuers rescue if they themselves become victims? Worse, rescuers and the evacuees they try to rescue may perish under these perilous circumstances at night,” lahad ni Antonio.

Dagdag niya, tila pinapalabas din aniya sa Rappler posting na huli ang provincial government sa pagsasagawa ng mga operasyon nito.

“It was the FOURTH DAY our rescuers have been going out to bring our evacuees to safety. Please do not make it appear in the caption that it is only now that rescue efforts are being launched,” ani Antonio. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?