8

Sep 14, 2021 @ 18:00
By

Cagayan sinagasaan ni ‘Kiko’

Matindi ang iniwang pinsala ng bagyong Kiko sa probinsya ng Cagayan kung saan umabot sa P54.167 milyon ang kabuuang halaga ng pinsala.

Batay ito sa ulat ng kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ngayong Martes.

Pinakamatinding naapektuhan ang sektor ng agrikultura kung saan P33.087 milyon ang halaga ng nasira dahil sa bagyo, kung saan P32.27 milyon dito ang mula sa mga napinsalang taniman ng palay.

Mahigit 900 magsasaka ang naapektuhan dahil sa bagyo.

Samantala, P20.93 milyon naman ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura.

“We hope to recover soonest from the typhoon as Cagayanos are always resilient,” pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?