41

Mar 7, 2020 @ 17:35
By

Cagayan pinutakti na ng ASF

Pininsala na ng African Swine Fever (ASF) ang mga babuyan sa lalawigan ng Cagayan.

Siyam na barangay ngayon sa bayan ng Solana ang naka-isolate matapos ipagbawal ng municipal government ang pagbenta at pagkatay ng mga baboy sa loob ng one-kilometer radius mula sa apektadong lugar.

Ito’y matapos magpositibo sa ASF ang mga blood sample na kinuha sa mga baboy na alaga ng mga backyard hog raiser sa Bauan East, Andarayan South, Andarayan North, Bantay, Ubong, Bangag, Sampaguita, Lanna at Pattaya.

Nasa 54 na baboy ang pinatay para maiwasan ang pagkalat ng ASF.

Naglagak na rin ng mga checkpoint sa mga entry at exit point.

Humingi na rin ng tulong sa mga sundalo para magbantay sa mga katubigan na maaaring gamitin para mag-smuggle ng mga baboy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?