42

By

Cagayan Gov. Mamba sumasamo ng tulong sa pamahalaan

Sharing is caring!

Sa pananalasa ng bagyong Ompong sa lungsod ng Cagayan, umapela si Cagayan Governor Manuel Mamba na tulungan ang kanyang kababayang makaalpas sa nangyaring kalamidad.

Wala pang naiuulat na kasuwalidad sa nasabing bagyo, ngunit ilang sakahan na ang sinira maging ang bubong ng Provincial Capital ng Lungsod ay nilipad rin.

Sa interview sa ANC, sinabi ng gobernador na higit na kailangan nila ng tulong mula sa national government para makabangon sa delubyo.

“We need a lot of help and we want to get assistance from national government,” saad ni Mamba.

Inihambing pa ng gobernador ang Ompong sa Bagyong Lawin na tumama rin sa lalawigan noong 2016 na ikinasira ng halos 14,000 kabahayan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?