21

Jul 16, 2021 @ 19:08
By

Cagayan De Oro pasaklolo sa IATF vs Delta outbreak

Nanawagan si Cagayan De Oro (CDO) Representative Rufus Rodriguez sa IATF na magpadala ng isang team ng mga eksperto sa lungsod upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.

Ito ay matapos maiulat sa Pilipinas ang unang 11 local case ng Delta variant, na ang lima ay mula sa CDO.

“I urge the IATF to send a team of experts on the Delta variant immediately to CDO to assist the LGU in implementing the proper steps to prevent the outbreak of the Delta variant in CDO,” pahayag ni Rodriguez.

Hinirit din niya ang mas maraming bakuna na maipadala sa CDO, na ngayon umano’y “battleground” ng Delta variant.

Matatandaang inilagay ng IATF ang lalawigan ng Iloilo at mga siyudad ng CDO, Iloilo at Gingoog sa enhanced community quarantine hanggang July 31.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?