88

Nov 2, 2019 @ 15:49
By

Cacao beans ng Davao wagi ng award sa Paris

Isa ang magsasakang si Jose Saguban ng Auro Chocolate sa 20 na nanalo sa International Cocoa Awards sa Paris, France noong October 30.

Ang International Cocoa Awards (ICA) ay isang prestigious global competition na kumikilala sa likha ng mga cocoa producer at iba’t ibang flavor sa buong mundo.

Sa 50 high-quality cocoa samples na pasok sa Cocoa of Excellence Programme, 20 dito ang nakatanggap ng award.

Nagtungo pa sa Paris si “Mang Jose” para tanggapin ang award.

Inanunsiyo ng Auro ang pagkapanalo sa kanilang social media account.

“When we found out he made it to the Top 50, we were already ecstatic so we decided to bring him to Paris to receive his award in person… Little did we know he would make it to the Top 20 best cacao beans in the world, we have no words! Thank you to Mang Jose for his hard work, dedication and motivation to keep getting better!” sabi sa post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?