64

Oct 8, 2017 @ 13:35

Cable, nasagasaan ng TV Plus

Totoo ang report ng TV Patrol na malaki ang itinaas ng sales ng ABS-CBN TV Plus pero hindi ibinalita ng news program na apektado ng digital terrestrial television product ng Kapamilya Network ang mga cable TV company.

Sa research namin, marami sa mga consumer ang nagkansela ng cable TV subscription nila dahil malaki ang kanilang natipid mula nang bumili sila ng ABS-CBN TV Plus.

Sa condominium building na aming tinitirhan, dalawampu na lang ang cable TV subscribers dahil mas pinili ng mga residente (na mga nagtitipid at ayaw nang problemahin ang monthly dues) ang black box ng Kapamilya Network.

Walang nag-akala na darating ang araw na magiging kakumpitensya ng cable TV company ng ABS-CBN ang sariling produkto nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?