39

By

Cable car sa Metro Manila pag-aaralan ng France

Sharing is caring!

Gagastos ang gobyerno ng France ng 450,000 euros para sa pag-aaral kung maaaring magkaroon ng cable car system sa Metro Manila.

Sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr), nagsimula na ngayong araw ang pagsasagawa ng feasibility study at tatagal ito ng 10 buwan.

Nabatid na naghahanap ang France ng isang lugar kung saan maaaring unang malagyan ng cable car system at ang mga lugar na ikokonsidera ay sa Metro Manila.

Ngunit, ayon pa rin sa kagawaran, hinihikayat ni Transportation Sec. Art Tugade ang Technical Working Group na ikonsidera ang Caticlan – Boracay at La Union – Baguio sa mga ruta na maaaring pagsimulan ng cable car system.

Naniniwala si Tugade na hindi lang epektibong solusyon sa isyu sa transportasyon ang cable car system kundi mapapalakas pa nito ang industriya ng turismo.

Ayon pa sa DOTr, ang kagawaran ang nagtutulak sa plano at ang France naman ang may pinakamaayos na cable car system sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?