23
nfa-roque
By

Cabinet Sec. Jun Evasco, tinanggal na sa NFA Council

Sharing is caring!

Hindi na kabilang si Secretary to the Cabinet Leoncio “Jun” Evasco sa na-re-organized na National Food Authority (NFA) Council na dati nitong pinamunuan.

Makaraan itong isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NFA Council sa reorganisasyon at ibalik sa pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinulong ng Pangulo ang NFA Council kasama ang ilang rice traders at nagbigay ng ilang mga direktiba para matugunan ang kakulangan sa supply ng NFA rice.

Kabilang dito ang ‘go signal’ para mag-import ng 250,000 metriko tonelada ng bigas sa pamamagitan ng government to government (G2G) na sistema para mapunan ang kakulangan ng supply.

Matatandaang magkasalungat ang pahayag noon nina Evasco at NFA administrator Jason Aquino sa tunay na kalagayan ng supply ng NFA rice.

Ang rice importation ay pangangasiwaan na ni Agriculture Undersecretary Berna Romulo Puyat.

Kasabay nito nilinaw ni Roque na hindi binuwag ang NFA Council bagkus ay isinailalim ito sa pangangasiwa ng DA.

“Subsequent importation is to be done by G2G or auction and importation will be implemented/supervised by the Executive Council Committee headed by the Office of the President (OP).The NFA Council will not be abolished,” ani Roque.

Sa ginanap na pulong sa Pangulo ay hiniling ng Development Bank of the Philippines (DBP) na alisin na sila bilang miyembro ng NFA Council.

Ipinalit sa DBP ang Department of Social Welfare and Development.

Ang NFA Council ay ikinakatawan ng mga opisyal mula sa DA, Department of Finance, NFA at Office of the President.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }