abante-tnt-vismin-patrick-jan-cabahug
By

Cabahug sasabak sa Sharks

Sharing is caring!

Sasalang si Patrick Jan Cabahug sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa ilalim ng kanyang probinsya, Cebu City Sharks.

Unang napabalita na makakasama siya sa koponan ng Zamboanga Valientes pero mas pinili nito na maglalaro sa kanyang hometown squad.

Makakasama niya rin dito ang dating PBA cager na si Jondan Salvador na nanalo ng kampeonato kasama ang Purefoods sa dalawang pagkakataon.

Aarangkada din sa MPBL ang mga dating Philippine Basketball League (PBL) player na si Mark Abadia at Eric Rodriguez.

Makakatulong din ng Sharks ang former star ng University of Visayas na si Francisco Arong, dating Sta.Lucia at Coca-Cola player na si Cesar Catli, UV Lancers’ Rhaffy Octobre at Alfred Codilla at si two-time CESAFI-MVP Enrico Llanto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?