99

By

Cabagnot, Ross asam mag-SEAG

Nais maging bahagi ng national squad na kakampanya sa 30th Southeast Asian Games 2019 nina San Miguel Beer gunners Alex Cabagnot at Chris Ross, maging ng University of the Philippines standout na si .

Pinarating ni Ross na nais niyang muling makapagsilbi sa bansa sa kanyang Twitter account tapos na malaman ang pagbabagong magaganap sa listahan ng isinumiteng mga manlalaro ng bansa tapos na magbitiw ni Yeng Guiao bilang coach.

“If my name is called, I’ll be more than happy to join the pool, but if not, best of luck to those guys that are going to be in the pool,” tweet ni Ross (@cmross6).

Simple naman ang naging pahayag nina Cabagnot (@askcabaggie) at de Liaño (@juan_swish9).

“SEA GAMES. Tryouts ? Location?,” sabi ni Cabagnot.

“Where and when is the tryout??,” pahayag naman ni De Liaño.

Halong mga professional at amateur ang sinumitenmg listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee bago pa umalis ang PH 5 pa-China 18th FIBA World Cup 2019 na dinaos nitong Aug. 31-Sept. 15.

Kasama sa mga pro sina Beua Belga, Poy Erram, Matthew Wright, Marcio Lassiter, Christrian Standhardinger at Stanley Pringle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?