24

Oct 15, 2020 @ 20:48
By

Cabagnot nilantad ang kanyang ‘ideal woman’

Isa si San Miguel guard Alex Cabagnot sa mga ‘available’ pa sa PBA.

At tiyak na marami din ang mga bebot na gustong mapalapit kay ‘The Crunchman’.

Ngunit ano ba ang mga hinahanap ng isang Alex Cabagnot sa isang babae?

Sa exclusive interview ng Abante ‘Sportalakan’ ni Sarah Asido at Jervy delos Reyes, binunyag nito ang mga katangian na gusto niya sa isang binibini.

“First and foremost God-fearing, matalino, and hopefully Roman Catholic, everything else if God is in the center of her life,” ayon sa nine-time PBA champion.

May sinabi rin ito na ikakasal na siya ‘soon’, biro lang ba ito o nagpapahiwatig na may nagpapatibok na ng puso ni Cabagnot?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?