33

Nov 17, 2021 @ 23:32

Cabagnot ‘GOAT’ ang bansag kay Fajardo

Si June Mar Fajardo na nga ba ang ‘Greatest of All-Time’ ng PBA?

‘Yan ang tingin ng kanyang dating teammate na si Alex Cabagnot matapos niyang tawaging ‘GOAT’ si Fajardo sa 32nd birthday ng San Miguel star.

Kung titingnan ang accomplishment ni ‘The Kraken’, mahirap nang pantayan ang mga nakuha niya sa liga.

Siya ang natatanging six-time PBA MVP recipient, bukod pa diyan ang walong kampeonato na nasungkit niya para sa SMB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?