5,869

Jan 9, 2022 @ 22:58

Cabagnot: Caguioa pinakamahirap bantayan sa PBA

Para kay Alex Cabagnot, ang prime version ni Mark Caguioa ang pinakamatinik na manlalaro sa PBA pagdating sa scoring.

Tugon ito ng nine-time PBA champion matapos tanungin sa Twitter kung sino ang pinakamahirap na bantayang player sa liga.

“Depends on What era. Young Spark u couldnt touch Or else Its a foul,” saad ni Cabagnot.

Sa PBA career ni Caguioa, tatlong beses na siyang tinanghal na PBA scoring champion, at nakuha niya ito sa tatlong magkakadikit na taon mula 2005 hanggang 2007.

Para naman sa malupit na defender, si Paul Artadi at Topex Robinson ang nagpahirap sa Terrafirma guard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?