29

Jun 1, 2020 @ 15:46
By

CAAP dapat magpaliwanag sa tigil biyahe ng domestic flight – Palasyo

Nais malaman ng Malacañang kung bakit ipinatigil ang Civil Aviation of the Philippines (CAAP) ang pagsisimula sana ng biyahe ng domestic flights ngayong Lunes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maging ang Palasyo ay nagulat na hindi pinayagang magsimula ng operasyon ang domestic airlines simula June 1.

“Tatawagan po natin ang CAAP at tatanungin natin kung bakit ganyan yan kasi in fairness sa airlines, matagal na sila nag-announce na mag-resume na sila so dapat siguro nagkaroon ng pasabi ano,” ani Roque.

Maging si Transportation Secretary Arthur Tugade ay tatawagan aniya ng kalihim para malaman kung ano ang dahilan at hindi natuloy ang pagbabalik-biyahe sa domestic flights .

“Tatanungin natin si kalihim Art Tugade at malaman natin kung ano ang istorya diyan,” dagdag ni Roque.

Ikinadismaya ng maraming pasahero ang naunsiyaming biyahe sana ngayong Lunes matapos mabatid na kanselado ang domestic flights sa pagsisimula ng general community quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?