18

Mar 2, 2021 @ 14:56

CA pinaboran si Trillanes sa kasong rebelyon

Pinaboran ng Court of Appelas (CA) si dating senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa kaso nitong rebelyon na inihatol ng regional trial court (RTC) ng Makati City noong 2018.

Buhat ng hatol ng RTC Makati, pinahintulutan nito ang Department of Justice na bigyan ng arrest warrant ang dating senador.

Maguguitang taong 2007 nang masangkot si Trillanes sa Manila Peninsula seige kasama ang iba pang Magdalo officer kung saan ipinrotesta nila ang umano’y korupasyon ni dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo.

Setyembre taong 2018 nang binuhay itong muli ni dating Hukom Elmo Alameda at sinabing pumalpak si Trillanes sa pagkumbinse sa Korte na sinunod niya ang mga minimum requirement sa paglakad ng amnestiya.

Sa inilabas na ruling CA Sixth Division, ibinasura nila ang inisyung court order ng Makati dahil may bahid daw ito ng “grave abuse of discretion.”

“The respondent court committed grave abuse of discretion when, without taking ample time to pause and ponder, whether or not it retained jurisdiction, summarily and cursorily considered the Omnibus Motion upon a matter involving a criminal action that it has long-ago dismissed. It acted with grave abuse of discretion that amounted to excess of jurisdiction, thus ousting it of jurisdiction, when it shunned testimonial evidence,” saad sa ruling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?