37

Sep 11, 2019 @ 14:38

CA kinumpirma ang pagtalaga kay Honasan bilang DICT Secretary

Kinumpirma ng Commission on Appointments ang pagkakalagay kay Gringo Honasan II bilang Department of Information and Communications Technology Secretary.

Hindi na masyadong pinahirapan si Honasan ng CA lalo’t dati na itong miyembro ng ahensya.

Noong Nobyembre 2018 pa na-appoint sa nasabing pwesto si Honasan, ngunit July 2019 lang naupo sa pwesto para tapusin ang kanyang termino sa Senado.

Si Honasan ay naging senador ng apat na termino, graduate ng Philippine Military Academy noon g1071 at isa sa mga nagrebelde kontra sa rehimeng Marcos.

Paliwanag ni Senadora Cynthia Villar, ang pagkakatalaga kay Honasan ay magiging maganda para sa kagawaran lalo’t makakasama nito ang dating kasama sa militar na si DICT undersecretary for operations Eliseo M. Rio, Jr.

“Secretary Honasan and Rio’s tandem is expected to yield positive results,” saad ni Villar

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?