6

Oct 9, 2020 @ 17:32
By

CA Justice Rosario, bagong SC magistrate

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals (CA) Associate Justice Ricardo Rosario bilang magistrate ng Supreme Court (SC).

Pinirmahan ang appointment ni Rosario noong Huwebes at isinapubliko nitong Biyernes.

Papalitan niya si Associate Justice Jose Reyes Jr., na nagretiro noong September 18 matapos tumuntong sa edad na 70.

Si Rosario, 62, ay dating Quezon City prosecutor at nagsilbi ring judge sa Manila Metropolitan Trial Court at Makati Regional Trial Court.

Nakapagtapos siya ng law degree sa Ateneo Law School noong 1983.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?