13

Oct 16, 2020 @ 19:17
By

CA justice pinagmulta sa 160 kasong ‘di agad hinatulan

Pinagmulta ng Supreme Court (SC) ang kasalukuyang associate justice ng Court of Appeals (CA) matapos mabigong desisyunan ang may 160 na kaso sa itinakdang panahon noong siya pa ay judge ng Regional Trial Court sa Mandaue City.

Ayon sa ulat, katumbas ng isang taon niyang sahod ang multa kay CA Associate Justice Marilyn B. Lagura Yap, na siya ngayong namumuno sa 20th division ng appellate court na nakabase sa Cebu City.

Nasa P150,000 kada buwan umano ang basic salary ng isang CA associate justice.

Ang utos ng SC na pagbabayad ng multa ay dahil din sa kabiguan ni Yap na magsumite ng required certification of caseload sa Judicial and Bar Council nang mag-apply siya para sa CA post noong 2011.

Naupong CA associate justice si Yap taong 2012.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?