21

By

CA Associate Justice Hernado akyat sa Korte Suprema

Sharing is caring!

Pormal nang inihayag na si Court of Appeals (CA) Associate Justice Ramon Paul L. Hernando ang uupo sa nabakanteng puwesto na Supreme Court (SC) associate justice.

Sinabi ito ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra nitong Miyerkoles, at ang posisyon na bagong pupunan ni Hernando ay dating kay SC Associate Justice Samuel R. Martires na iniwan noon pang Hulyo nang siya’t ma-appoint bilang Ombudsman.

Inaasahang mamalagi sa puwesto si Hernando ng 18 taon bago maabot ang mandatory age of retirement na 70-anyos.

Si Hernando ay dating state prosecutor para sa DOJ, bago maging hukom sa regional trial court, at ang huling hinawalan ay bilang associatejustice ng Appeals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?