263

Aug 16, 2019 @ 21:55
By

C-Mac, SMB kampeon; tinapos ang TNT sa G6!

Muling pinatunayan ng San Miguel na iba ang may pinagsamahan at pagkakaroon ng pusong kampeon matapos walisin sa Game 6 ng PBA Commissioner’s Cup Finals ang TNT, 102-90, Biyernes ng gabi sa Araneta Coliseum.

Tinanghal na Bida Player of the Game si Christian Standhardinger sa kinubrang 18 points at 6 rebounds sa 18 minutong nilaro niya.

Ito na ang ikaapat na title sa Commissioner’s Cup ng SMB at 27th championship overall nila sa PBA.

Sa unang pagkakataon naman ay nasungkit ni Terrence Romeo ang PBA Press Corps Honda Finals Most Valuable Player award.

Nag-average siya ng 14.8 points, 4.3 assists at 2.3 rebounds.

“Di mo kailangan laging bida, importante manalo team,” sabi ni Romeo sa naiuwing karangalan.

Ang Iskor:

San Miguel 102 – McCullough 35, Fajardo 19, Standhardinger 18, Cabagnot 10, Romeo 10, Ross 7, Pessumal 4, Santos 0.

TNT 90 – Jones 41, Castro 16, Pogoy 13, Rosario 8, Heruela 6, Taha 4, Trollano 2, Washington 0, Reyes 0, D. Semerad 0, Casiño 0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?