45

By ,

Buzzer-beater ni Orbeta nagpaangat sa GenSan

Halos isang segundo lang ang kinailangan ng GenSan Warriors para makabalik sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

Naging bayani sa Warriors si John Orbeta nang ipasok nito ang kanyang buzzer beater shot para maitakas ang 84-83 na panalo at tuldukan ang 13-game winning streak ng Davao Occidental Tigers Miyerkoles ng gabi sa Valenzuela Astrodome.

Pangit man ang laro na ipinakita ni Orbeta sa mga unang minuto ng laro, tila naging isang bayani naman ang turing sa kanya nang itarak nito ang kanyang game-winning shot.

“Siguro that was the luckiest shot I’ve taken. I cannot explain it, but all I know, masama talaga laro ko and I was just happy enough to deliver that lucky shot,” wika ni Orbeta.

Sumang-ayon naman dito si Warriors coach Ramon Pido sabay sabi na talagang sinuwerte sila sa laro.

“It was a broken play. Nadampot lang talaga ni Orbeta and he was able to make the shot at the right time. We’re just lucky,” sabi nito.

Ito na ang ikaapat na talo ng Tigers sa 19 na assignatura pero nanatili pa rin itong matatag sa unang spot ng Southern division ng liga habang angat naman sa ikalimang pwesto sa parehong division ang Warriors hawak ang 9-9 na baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?