31

By

Buzzer-beater ni Green nagsalba sa Raptors vs Magic

Dumale ng panapos na jump shot si Danny Green para akayin sa panalo ang Toronto Raptors 93-91 laban sa Orlando Magic, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Pilipinas).

Ang panalong buslo ay mula sa pasa ni Kyle Lowry matapos itabla ni Magic’s Evan Fournier ang iskor sa pamamagitan ng isang dunk, may 2.3 segundo na lang ang nalalabi.

Pinangunahan ni Kawhi Leonard ang Toronto sa tinipong 18 points habang binalikat naman ni Fournier ang Orlando sa 27 points.

Abante ang Magic ng dalawang puntos 10:44 sa orasan sa final period pero wala nang naka-iskor pa sa magkabilang panig hanggang sa basagin ito ng 3-pointer ni Green, may 7:14 na nalalabi na nagpalamang sa Toronto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?