82

Jun 6, 2019 @ 16:42

Buzzer-beater ni Clarin sinandalan ng Gilas Women’s

Isa man sa mga underdog ang Gilas Pilipinas Women’s 3×3 U18 team sa pagsisimula ng 2019 FIBA 3×3 U18 World Cup, nanggulat naman ito sa ikatlong araw ng torneo.

Nakalusot sa quarterfinals ang Pinay ballers nang irehistro ang back-to-back buzzer beater victories kontra powerhouse The Netherlands at Czech Republic.

“Congratulations to Coach Pat Aquino and to our girls for winning against powerhouse teams Netherlands and Czech Republic today in dramatic fashion. The wins propelled us to the next round and face China in the quarterfinals,” sabi ni SBP president Al Panlilio.

Bayani si Camille Izabel Clarin na nagsalpak ng buzzer beater para padapain ang sixth-seeded na The Netherlands 10-9 at sinundan ito ng 15-14 na panalo sa Czech Republic.

“SBP’s push to excel in women’s basketball is starting to pay off. Our ultimate goal is for our women’s program to achieve greatness similar to our Gilas Pilipinas Men and Gilas Pilipinas Youth. #parasabayan,” dagdag ni Panlilio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?