115
martin-andanar-
Oct 8, 2017 @ 17:44

Buwisit sa blog ni Mocha, eh ‘di huwag basahin – Palasyo

May payo ang Malacañang sa mga kritiko na pumupuna sa laman ng blog ni Presidential Communications Assistant Sectary Mocha Uson kaugnay sa mainit na isyu patungkol sa fake news na umiikot sa social media.

Sinabi kahapon ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na malaki ang following ni Asec Mocha sa kanyang blog kaya nagiging viral agad at ito ang hindi matanggap ng kanyang mga kritiko.

Kung nabubuwisit aniya sa mga sinusulat  sa blog ni Mocha ay huwag basahin para hindi makunsumi.

“Nagkataon na si Mocha ay may limang milyong followers,at yung iba na mga taga-gobyerno eh wala pang limang libo, di ba? So kumbaga nagkataon lang na sikat si Mocha. So everytime na maglalagay siya ng kanyang komento ay  sa kanyang sariling facebook account  ay nagiging viral, kasi may 5million followers siya. Ngayon kung nabubuwisit ka sa sinusulat niya , eh huwag mong basahin, di ba? Ganon lang ang para sa akin,” ang pahayag ni Secretary Andanar.

Kasabay nito nilinaw ng kalihim na ang blog ni Mocha ay sarili niya ito at kung ano man ang laman nito ay personal na pananaw at walang kinalaman sa mga ginagawa nito bilang opisyal ng PCOO.

Katulad din aniya ng mga opisyal ng gobyerno at mga ordinaryong empleyado na mayroong facebook account, hindi inuugnay sa kanilang trabaho ano man ang gusto nilang ilagay o i-post.

“Iyong sarili niyang blog sinabi naman niya na sarili niyang blog iyon, kung ano man ang sinabi niya doon hindi naman nagre-reflect iyon sa PCOO at malinaw naman yon, “ang sabi pa ni Andanar.

Matatandaang sa pagharap ni Asec Mocha sa senado kaugnay sa isyu ng fake news ay pinamili siya ni senadora Nancy Binay kung alin ang mas gusto nitong bigyan ng prayoridad, ang pagiging Asec ng PCOO o ang pagigjng blogger. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?