1,304

By

Buwis sayang sa mga mali-maling opisyal! Bela nainis sa posibleng paglaya ni Sanchez

Nilabas ni Bela Padilla ang pagkadismaya matapos marinig ang balitang posibleng mapakawalan si ex-Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa bilibid.

Nag-Instagram story ang aktres na may larawang may nakasukat na ‘No to Sanchez’s Release’, sinabi nito na ‘nakakatakot’ kung mapalaya ang rapist at pumatay sa UPLB student na si Eileen Sarmenta.

“Nakakakilabot. Nakakawindang. Nakakatakot tumira sa lugar na posibleng mapalaya ang ganitong klaseng tao,” ayon kay Bela.

“Hindi na worth it yung buwis na pinapasweldo sa mga taong mali mali magdesisyon,” aniya pa.

Matatandaan na unang sinabi na kasama ang pangalan ni Sanchez sa 11,000 inmate na posibleng makalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance.

Ngunit nilinaw ng Department of Justice at Bureau of Corrections na hindi pasok ang kaso ni Sanchez sa nasabing ruling, ibig sabihin ay hindi ito makakalaya bago matapos ang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?