9

By

Buwis sa sigarilyo pinatataasan ng isang health group

Sharing is caring!

Kinalampag ng isang health group ang mga senador para apurahin ang panukalang batas para sa pagtataas ng buwis sa tabako at sigarilyo o ang tobacco tax.

Suot ang T-shirt na pula at may kasamang mascot na mukhang sigarilyo, sinabi ng grupong Action for Economic Reforms (AER) na dapat nang itaas ang tobacco tax para marami pang mapatigil sa paninigarilyo at upang mapondohan ang Universal Health Care Bill na inaasahang maisasabatas sa susunod na toan.

Partikular nilang kinalampag si Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, para magpatawag na ng public hearing sa panukalang batas na dalawang taon na raw na nakatengga.

Inakda nina Senador JV Ejercito at Senador Manny Pacquiao ang panukalang batas para sa pagtataas ng tobacco tax.

“Why do we need to convince our senators about saving our children from getting hooked to cigarette smoking,” sabi ni Jo-Ann Diosna, coordinator ng AER na isa sa mga kasaping grupo ng Sin Tax Coalition.

Nagsagawa ng rally sa gate ng gusali ng Senado ang may 100 kasapi ng isang non-government organization na nananawagan para apurahin na ng mga senador ang pagdinig at pag-apruba sa panukalang batas na magpapataas ng buwis sa tobacco products o sigarilyo.

Ayon sa grupong Action for Economic Reforms, isa sa mga kasapi ng Sin Tax Coalition, panahon na para taasan ang buwis sa sigarilyo upang mapatigil na ang nakararami sa paninigarilyo na masama sa kalusugan.

Kailangan din anila ang kikitan mula sa dagdag na buwis para ipampondo sa Universal Health Care Bill kung saan layong gawing libre ang pagpapaospital at pagpapakonsulta ng lahat ng Filipino.

Partikular na kinakalampag ng grupo na magpatawag na ng pagdinig si Senador Sonny Angara na chairman ng Senate committee on wayd and means kung saan nakasampa na ang panukalang batas na inakda naman nina Senador JV Ejercito at Senador Manny Pacquiao.

Umaasa ang grupo na ikukonsidera ni Angara at ng lahat ng mga senador ang sinabi umano ni Health Secretary Francisco Duque na dalawa sa bawat tatlong Filipino ay pabor na taasan ang buwis sa tobacco products.

Sa rally, sinabi ni Ejercito, chairman ng Senate Committtee on Health, na talagang kailangang itaas ang buwis sa mga tobacco product dahil maisasabatas na ang popondohan nito na Universal Health Care Bill na aniya ay isasalang na nila sa bicameral conference ngayong Nobyembre at maaaring maisabatas na hanggang Disyembre.

May pinirmahan din ang mga nagprotesta na malaking tarpaulin na manifesto ng kanilang panawagan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?