25

By

Buwis sa petrolyo ‘di sisirit sa 2019 – Go

Sharing is caring!

Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang ikalawang pagtataas ng buwis sa petrolyo na nakatakda sa 2019.

Inihayag ito ni Special Assistant to the President Bong Go sa paglulunsad ng TienDa Malasakit Store sa Taguig City.

Ayon kay Go, may pinirmahan nang kautusan ang pangulo para hindi ituloy ang pagpapataw ng P2 buwis sa petrolyo umpisa sa Enero.

Niliwanag naman na hindi sususpendihin ang tinaasang excise tax sa petrolyo ngayong taon.

Sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, tumaas ng P2.35 ang excise tax sa bawat litro ng gasolina. Nagkroon naman ng P2.50 excise tax ang diesel at P1.00 sa LPG.

Nakatakda itong tumaas muli ng P2.00 sa 2019 at magtataas muli ng P3.00 sa 2020.

Nakatadha sa batas na suspendihin ang pagtataas ng buwis kapag tatlong buwang sunod-sunod na $80 ang presyo kada bariles ng petrolyo sa international market.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?