230

Nov 28, 2017 @ 20:03
By

Buwis sa gamot, tanggal na sa Tax Reform Bill ng Senado

Hindi na papatawan ng 12 porsiyentong value added tax (VAT) ang mga gamot.

Panukala ito na nakapaloob sa bersiyon ng Senado ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) o Tax Reform Bill.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means at nagdedepensa sa Tax Reform Bill, napagkasunduan nilang hindi na pabuwisan ang mga nasa kategoryang “prescription drugs and medicines”.

“Yun talagang mga kailangang gamot para sa paggaling ng karamdaman, magiging VAT-exempt na,” ayon kay Angara.

Pero binigyang-diin na mananatili ang VAT sa mga supplement na puwede namang hindi inumin.

“Yung supplements, may choice ang tao kung iinumin niya o hindi. Bubuwisan ‘yan,” ayon kay Angara. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?