24

Nov 24, 2021 @ 16:38
By

Buwis pa more sa mayayaman nilaban ni Ka Leody

Pabor ang presidential candidate na si Labor leader Leody de Guzman na dagdagan ang buwis na ipinapataw sa mga mayayaman.

Tinawag din niyang “capitalist blackmail” ang pagtuligsa laban dito.

“Narinig na namin ito. Tuwing humihingi ang manggagawa ng maayos na suweldo’t benepisyo, tinatakot kami ng pagsasara at kawalang trabaho.

“Ngayon naman ay hindi puwedeng dagdagan ang buwis sa mayayaman dahil aalis sila at pupulutin ang manggagawa sa lansangan. Ito ay kapitalistang blakmeyl,” pahayag niya.

“Ang pagtataas ng buwis sa mga bilyonaryo ay makatarungan dahil sila lamang ang nakaahon sa rurok ng pandemya noong 2020.

“Hindi mamumulubi ang mga bilyonaryo sa wealth tax dahil makikinabang sila sa masiglang lokal na merkado at labor force,” dagdag pa niya.

Nauna nang nagbabala si Finance Secretary Carlos Dominguez III ng capital flight at tax avoidance scheme sakaling magpataw ng wealth tax sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?